PBBM pinukpok DOH sa COVID booster

Posibleng luwagan pa ng pamahalaan ang ilan pang paghihigpit na ipinatutupad bilang pag-iingat sa hawaan ng COVID-19 kapag naabot ang target nitong “wall of immunity”.

Ayon kay Department of Health (DOH) officer-in-charge Undersecretary Maria Rosario Vergeire, ang Pangulong Ferdinand `Bongbong’ Marcos mismo ang nagsabi na handa itong luwagan ang mga protocol subalit kailangan lamang na mapalakas pa ang pagbabakuna kontra COVID-19.

“This came also from the President himself, he said he can ease restrictions, pero may kondisyon, dapat tumaas ang pagbabakuna,” sabi ni Vergeire.

Ayon kay Vergeire, nasa 47 milyong Pinoy pa ang hindi nakakatanggap ng unang booster shot.

Batay sa datos ng DOH, hanggang nitong Agosto 11 ay mahigit 16.8 milyong katao na ang nakatanggap ng unang booster dose habang higit 1.7 milyon naman ang may second booster shot na.

Sabi ni Vergeire, dapat magkaroon ng “shift in mindset” ang mga Pilipino dahil hindi na mawawala ang COVID-19 kung kaya’t dapat alam ng bawat indibiduwal kung paano silang magiging ligtas sa sakit.

“Aside from government interventions, kailangan, ang tao, alam nila kung paano proteksyunan ang kanilang sarili,” dagdag pa ni Vergeire.

The post PBBM pinukpok DOH sa COVID booster first appeared on Abante Tonite.

Post a Comment

0 Comments