Coronavirus sa NCR pumalo ng halos 18%

Tumaas ng halos 18% ang mga kaso ng COVID-sa Metro Manila, batay sa OCTA Research.

Inihayag din ni Dr. Guido David, OCTA researcher, na maaaring naabot na ng National Capital Region (NCR) ang pinakamataas na bilang ng mga kaso ng COVID at baka hindi na madagdagan pa ito.

Ayon kay David, naitala ang COVID-19 positivity rate na 17.9% sa Metro Manila nitong Agosto 11.

“With slight increases over the past three days, it is not yet clear if the positivity rate has already peaked in the NCR, but the trendline looks flat at the moment,” tweet ni David.

Nasa 5% naman ang positivity rate benchmark ng World Health Organization.

Ayon naman sa Department of Health, nananatiling nasa moderate risk sa banta ng COVID-19 ang buong Metro Manila. (Ansherina Jazul)

The post Coronavirus sa NCR pumalo ng halos 18% first appeared on Abante Tonite.

Post a Comment

0 Comments