Cebu port abogada, anak niratrat ng tandem

Kapwa sugatan ang abogada na opisyal ng Cebu Port Authority (CPA) at anak nitong binata nang tambangan at ratratin sila ng hindi pa nakikilalang riding-in-tandem sa Mandaue City, Cebu noong Huwebes ng gabi.

Inoobserbahan pa ang biktimang si Atty. Karen Quiñanola Gonzales, 43 anyos, at hepe ng Business and Marketing Department (BMD) ng CPA, ahil sa tama ng bala sa leeg. Samantala, ligtas na sa peligro mula sa dumaplis na bala ang anak nito na si Keith, 19, kapwa taga-Barangay Tawason ng nasabing lungsod.

Sa ulat ng Mandaue City police, pauwi na ang mga biktima lulan ng itim na Honda City na may plakang GEC 4697 nang sabayan sila ng motorsiklong sinasakyan ng mga suspek sa Hernan Cortes St. sa Barangay Tipolo, Mandaue City alas-nuwebe ng gabi. Nang makadikit, pinagbabaril na ng mga ito ang mag-ina.

Nadala agad sa ospital ang mag-ina kung saan inoobserbahan ang abogada. Inaalam na ng pulisya kung may mga CCTV sa lugar para magamit sa imbestigasyon.

Samanta, nag-alok ang Integrated Bar of the Philippines (IBP) Cebu City Chapter ng pabuyang P50,000 sa sinumang makapagbibigay ng impormasyon sa mga suspek.

“September is the rule of law month. But today has left us in utter shock and disbelief, as there is yet again, another attack against a member of the legal profession,” ayon sa IBP Cebu City sa isang pahayag. (Edwin Balasa)

The post Cebu port abogada, anak niratrat ng tandem first appeared on Abante Tonite.

Post a Comment

0 Comments