PBBM sa Amerika: Mga Pinoy worker da best!

Bukod sa matatag ng pundasyon ng ekonomiya at mga polisiyang ipinatutupad aniya ng gobyerno, ipinagmalaki rin ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa mga negosyanteng nakaharap niya sa Estados Unidos ang kakayahan ng mga manggagawang Pilipino.

Humarap ang pangulo sa non-partisan at non-profit organization na Asia Society sa New York at doon inilatag niya na lumago ng 5.7 porsiyento ang ekonomiya ng Pilipinas noong 2021 habang nasa 7.8 porsiyento na ito sa first half ng 2022.

“Growth was broad-based, driven not only by government spending but also by household consumption and investments, reinforced by consumer and business confidence,” sabi ni Pangulong Marcos.

Binanggit din niya ang mga polisiya ng gobyerno at mga batas na makakahiyakat sa mga investor.

Ipinagmalaki pa ng pangulo ang aniya’y “English-speaking workforce” ng Pilipinas na kayang makipagsabayan sa ibang bansa.

“Another strong point is our human capital. We boast of a young, educated, hardworking, and English-speaking workforce that is among the best in the world,” wika ng pangulo. (Prince Golez)

The post PBBM sa Amerika: Mga Pinoy worker da best! first appeared on Abante Tonite.

Post a Comment

0 Comments