Nag-amok sa barangay hall, tinimbog

Dinampot ng mga awtoridad ang isang mangingisda matapos nagwala at manira ng kagamitan sa loob ng isang barangay hall sa Bacoor City, Cavite.

Kasong Malicious Mischief and Grave Threat ang kinakaharap ng suspek na si Viron Lacno y Eco, 22-anyos dahil sa reklamo ni Edgardo Purificacion y Villanueva, 58, Punong Barangay, ng Brgy. Digman, Bacoor City.

Sa ulat ni PSSgt Marvin Rae Calaor ng Bacoor City Police, ala-una kamakalawa ng hapon nang pumasok ang suspek sa nasabing barangay hall at walang sabi-sabing sinira ang isang 32 inches na TCL Closed Circuit Television (CCTV) monitor na nagkakahalagang P25,000 na gamit ng barangay.

Matapos manira, umalis ito at nag-iwan umano ng sulat na nagsasaad ng “Magtago kana Papay, papatayin kita.”

Dahil dito, hinanap ang suspek na nagresulta sa kanyang pagkakaaresto. (Gene Adsuara)

The post Nag-amok sa barangay hall, tinimbog first appeared on Abante Tonite.

Post a Comment

0 Comments