Hindi pa rin tapos ang mga housing project para sa mga biktima ng super typhoon Yolanda na nanalasa sa bansa noon pang Nobyembre 2013
Sa isinagawang deliberasyon ng Kamara, sinabi ni Navotas Rep. Toby Tiangco, ang sponsor ng budget ng Department of Human Settlements and Urban Development (DHSUD), na mula sa 209,247 pabahay mahigit 200,000 na ang natapos.
Inaasahang matatapos umano ang nalalabing 9,000 ngayong taon. Ang mga natapos ng housing unit ay mayroon umanong 70% occupancy rate.
Sinimulan ng National Housing Authority (NHA) ang proyekto noong 2014 bago ito inilipat sa DHSUD na itinatag noong 2019.
Sinabi ni Tiangco na isa sa nakaapekto sa paggawa ng mga bahay ang COVID-19 pandemic dahil nagkaroon ng kakulangan sa gagawa.
Nagtanong naman si ACT Teachers party-list Rep. France Castro kung naparusahan ang mga contractor na nabigong tapusin ang kanilang proyekto.
Sagot ni Tiangco: “And of course `yung mga contractor na hindi naka-deliver on time and if the delay is unjustified magbabayad po sila ng liquidated damages.”
Ayon pa kay Tiangco mayroong mga na-blacklist na contractor dahil hindi nagawa ang kanilang obligasyon.
Nagpahayag naman si Castro ng pagsuporta sa pagtataas sa P2 bilyong pondo ng DHSUD sa susunod na taon para sa pabahay. (Billy Begas)
The post Pabahay sa mga `Yolanda’ victim kapos pa ng 9,000 first appeared on Abante Tonite.
0 Comments