2 tulak timbog sa P6.8M tobats

Dalawang high value individual na tulak ng iligal na droga ang dinampot habang nasa isang kilo ng pinaniniwalaang shabu na nagkakahalagang P6.8 milyon ang nasamsam sa isinagawang operasyon Lunes ng hapon sa Jolo, Sulu.

Kinilala ni Col. Richard Verceles, Area Police Command-Western Mindanao operations chief, ang nadakip na sina Alfajar Asgali, 26 at Madjid Sala, 41-anyos.

Ayon sa ulat, ang mga suspek ay nadakip sa buy bust operation alas-2:30 ng hapon sa Barangay San Raymundo, Jolo, Sulu.

Nakuha sa mga ito ang dalawang plastic sachet ng hinihinalang shabu na may timbang na isang kilo at nagkakahalagang P6.8 milyon. (Edwin Balasa)

The post 2 tulak timbog sa P6.8M tobats first appeared on Abante Tonite.

Post a Comment

0 Comments