Pansamantalang di nadaanan ang kalsada sa bayan ng Bauko, Mountain Province matapos mabarahan ng landslide kamakalawa.
Bunsod na rin ito ng gumuhong bundok sa bahagi ng Sitio Ampingke, Barangay Leseb alas-tres ng hapon. Nakuhanan pa ng isang netizen ang pagguho ng bundok.
Passable naman na kahapon ang bahagi ng kalsada sa bayan ng Bauko, Mountain Province.
Ayon sa LGU ng Bauko, alas-6:30 ng umaga nitong Biyernes, nabuksan na rin ang highway matapos maalis ang mga gumuhong bato at lupa.
Ayon sa Bauko PNP, simula nang maranasan ang magnitude 7 na lindol nuong Hulyo, nagkaroon na ng mga pagguho sa bahagi ng bundok, at pinalala pa ito ng nga naranasang pag-uulan nuong mga nakaraang araw. (Ronilo Dagos)
The post Bundok gumuho sa mountain province, kalsada barado first appeared on Abante Tonite.
0 Comments