NCRPO, NBI sanib-puwersa vs colonel, 14 pa sa kidnapan

NANGAKO ang National Capital Region Police Office (NCRPO) na makikipagtulungan sila sa National Bureau of Investigation (NBI) kaugnay sa gagawing pagsasampa ng kaso laban sa 11 NCRPO anti-drug operatives at apat na sibilyan na may kaugnayan umano sa apat na nawawalang sabungero sa Cavite noong isang taon.

“We respect the courses of action being undertaken by the NBI on this matter so long as it is within the bounds of existing laws, policies, rules, and regulations. The NCRPO is open and willing to cooperate in any investigation pertaining to this matter,” sinabi ni NCRPO chief Brig. Gen. Jonnel Estomo.

Sa reklamo na may petsang Oct. 19, ang NBI Task Force Against Illegal Drugs (TFAID) ay nagsampa ng kaso laban sa NCRPO personnel kaugnay sa pagkawala ng magkapatid na Gio at Mico Mateo, Garry Matreo Jr. at Ronaldo Anonuevo noong April 13, 2021 sa Dasmariñas City sa kasagsagan ng anti-drug police operation.

Kinasuhan sina NCRPO regional drug enforcement unit chief Col. Ryan Orapa; Lt. Jesus Menez; Staff Sgts. Roy Pioquinto at Robert Raz; Cpls. Alric Natividad, Troy Paragas, Ronald Lanaria, Ronald Montibon, Reynaldo Seno, Ruscel Solomon at Christal Rosita; police assets Nicasio at Nicholes Manio, isang Angelo Atienza at isang Boss Mark, kaugnay sa kidnapping at serious illegal detention at paglabag sa Anti-Enforced o Involuntary Disappearance Act.

Sinabi ni Estomo na pinapanatili ng NCRPO ang mataas na uri ng confidence sa investigative capability ng NBI at nanghihingi ng kopya ngayon sa case documents para gawin nilang basehan ng administrative action laban sa mga police officers. (Kiko Cueto)

The post NCRPO, NBI sanib-puwersa vs colonel, 14 pa sa kidnapan first appeared on Abante Tonite.

Post a Comment

0 Comments