Dinilaan ng aso, sarili nataga

Patay ang isang lasing na lalaki nang aksidente nitong mataga ang kanyang binti na dapat sana ay sa aso sa Brgy. Suliyao, Pitogo, Quezon.

Kinilala ang biktima na si Carlos San Agustin Jr., 50 anyos, magsasaka.

Batay sa report ng Macalelon police, alas-onse nitong Huwebes ng gabi, matutulog na sana ang biktima sa labas ng bahay ng kanyang kaibigan matapos makipag-inuman nang magalit ito sa aso dahil sa dinilaan ang kanyang paa.

Sa inis, inundayan nito ng taga ang aso subalit ang kanyang binti ang tinamaan.

Nagtamo ito ng malalim na sugat na nagdulot ng walang tigil na pagdugo.

Isinugod ito sa ospital sa bayan ng Gumaca subalit idineklara itong dead on arrival ng doktor. (Ronilo Dagos)

The post Dinilaan ng aso, sarili nataga first appeared on Abante Tonite.

Post a Comment

0 Comments