Ion doble pogi sa pagmamahal ni Vice

N: ALWIN IGNACIO

Si Ion Perez ang buhay na patotoo na talagang pag may minamahal at nagmamahal sa iyo, nakakadagdag ng kumpiyansa at guapo points, sa true lang. Mukhang doble pogi si Ion sa pagmamahal ni Vice.

Sa TikTok video na ibinahagi ng tinatangi ni Queen Bayot Vice Ganda, the look of love is in his eyes, sariwa ang hitsura nito. Marami ang narahuyo sa kanya kasi nga pinakita niya na ready na siya para maging modelo ng toothpaste. Litaw kasi ang perfection sa kanyang ngiti.

Ang mga bekibel, boy borta at balana na todohan ang pagsuporta at pagyakap sa kakaiba nilang romansahan eh masaya na . May sariling palo at sikap si Perez na nakakagawa ng impact .Malaking bagay talaga na ang panahon na yatang ito ang pinaka-guapo siya.

Four years and counting ang kanilang relasyon ni Vice.Lahat ng mga single diwata at sirena ay napapa-sana all sa pinagsasamahan, pinagsasaluhan at pagmamahalan nina Benigno Perez at Jose Marie Viceral.

@perezion27

🫢🫢🫢

♬ original sound – bestspedup

The post Ion doble pogi sa pagmamahal ni Vice first appeared on Abante Tonite.

Post a Comment

0 Comments