KathNiel humakot ng mga parangal sa Jeepney TV Awards

Ni: Glen P. Sibonga

Humakot ng kabuuang siyam na parangal sina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla kabilang ang individual at tandem awards sa ginanap na Jeepney TV Fan Favorite Awards sa pangunguna ng award para sa All-Time Favorite Love Team.

Itinanghal naman si Kathryn bilang Fave Lead Actress, habang si Daniel ang Fave Lead Actor.

Nagwagi rin ang mga Kapamilya teleseryeng pinagsamahan at pinagbidahan ng KathNiel. Ang “Growing Up” kung saan nabuo ang love team nila ang Fave Youth-Oriented Show; “Got To Believe” – Fave Teleserye (2012-2021); at “La Luna Sangre” – Fave Fantaserye.

Nanalo rin si Kathryn sa Fave Kapamilya Serye Iconic Line dahil sa kanyang pamosong “Sorry po!” line sa “Got To Believe.’

Ang love triangle nina Kathryn, Daniel at Enrique Gil sa “Princess and I” ang itinanghal na Fave Love Triangle.

Ang remake ng “Mara Clara” na pinagbidahan nina Kathryn at Julia Montes ang Fave Teleserye para sa dekada 2000-2011.

Dahil sa tagumpay na ito ng KarhNiel ay naging trending topic tuloy sa Twitter ang HAKOT AWARDS KATHNIEL.

Congratulations, KathNiel! (GLEN P. SIBONGA)

The post KathNiel humakot ng mga parangal sa Jeepney TV Awards first appeared on Abante Tonite.

Post a Comment

0 Comments