Maricar lampas dekada bago ikinuwento ang ‘darkest chapter’ ng buhay niya

Ni: Glen P. Sibonga

Lampas sa isang dekada bago tuluyang naikuwento ni Maricar Reyes sa pamamagitan ng inilabas niyang autobiography book na “Maricar” kung paano niya hinarap ang lumabas na sex video scandal nila ni Hayden Kho noong 2009.

Hindi naging madali kay Maricar na harapin ang itinuturing niyang “darkest chapter” ng kanyang buhay. Lalo na kasagsagan ng kasikatan niya noon.

Pero na-overcome rin niya ang negatibong idinulot nito sa kanyang buhay. At ngayon gusto niyang maka-inspire sa mga taong may pinagdadaanang pagsubok sa pamamagitan ng kanyang libro.

Ayon nga sa caption ng Instagram post ni Maricar, “2009 – the year when a crisis changed my life. 13 years have passed and I’ve chosen not to talk about it…until now.

“Today, I’m finally telling my side of the story — how I bounced back from the darkest chapter of my life.

“Be one of the first to know about my journey towards overcoming online shame.

“I hope my story will help or inspire you to find a way out of your dark situation, whatever that may be. Remember, you are not alone and there is always a way out. Laging may SOLUSYON.” (GLEN P. SIBONGA)

The post Maricar lampas dekada bago ikinuwento ang ‘darkest chapter’ ng buhay niya first appeared on Abante Tonite.

Post a Comment

0 Comments