Senglot na nag-drive nalunod sa creek

TODAS ang isa umanong lasing na lalaki matapos mahulog ang kanyang minamanehong tricycle sa isang creek sa Barangay San Miguel, Natividad, Pangasinan kamakalawa.

Kinilala ang lumulutang na bangkay na si Francis Sagun, 37, tricycle driver, ng Barangay Rizal, ng nasabing bayan.

Ayon kay Natividad Police Station officer-in-charge P/Lt Erwin Lopez, base sa salaysay ng isang Anacleto Hidalgo, 66, CVO, ng Barangay San Miguel, nagpunta siya sa nasabing creek nang mapansin niya ang nahulog na tricycle at nakita ang katawan ng biktima na nakalutang sa tubig kaya agad niya itong ini-report sa pulisya.

Lumalabas sa imbestigasyon ni Lopez na galing umano sa isang inuman ang biktima sa Barangay San Macario Norte, Natividad at nasa impluwensya ng alak nang mangyari ang insidente.

Nasa mahigit kumulang sa 6-feet ang lalim ng creek na kinahulugan ni Sagun. (Allan Bergonia)

The post Senglot na nag-drive nalunod sa creek first appeared on Abante Tonite.

Post a Comment

0 Comments