Tsugi sa salpukang military truck-mixer, 8 na

Umakyat na sa 8 ang bilang ng mga sundalong nasawi sa naaksidenteng military vehicle sa Brgy. Buenasuerte, Uson, Masbate noong Linggo ng gabi.

Ayon kay Col Xerxes Trinidad, spokesperson ng Philippine Army, bukod sa 6 na idineklarang dead on the spot, pumanaw ang dalawa pang sundalo habang nilalapatan ng lunas sa ospital.

Anim pa ang nasugatan sa nasabing insidente kung saan isa ang nasa kritikal pa ring kalagayan at nasa Bicol Regional Training and Teaching Hospital.

Sakay ang 14 na sundalo sa KM450 military vehicle at magde-deliver sana ng supply sa kanilang temporary patrol base sa Brgy. Paguihaman nang sumabog ang huling kaliwang gulong ng sasakyan kaya nawalan ng kontrol ang driver at sumalpok ito sa nakaparadang mixer truck bago bumaliktad.

Nagpaabot naman ng pakikiramay si Army Chief Lt. Gen. Romeo Brawner Jr. sa mga nasawi at tiniyak na bibigyan ng sapat na medical care ang mga sundalo at kanilang pamilya. (Ronilo Dagos/Kiko Cueto)

The post Tsugi sa salpukang military truck-mixer, 8 na first appeared on Abante Tonite.

Post a Comment

0 Comments