Nene walang paalam na gumimik, binura ang mukha

Patay na nang matagpuan ang isang Grade 7 student na tumakas sa kanilang bahay at nagtungo sa sayawan sa Lantapan, Bukidnon, ayon sa ulat ng pulisya nitong Martes.

Pasado alas-siyete ng umaga nitong Linggo nang matagpuan ang bangkay ng biktimang si Arlene Manyag, 16, sa isang sagingan sa Purok 3, Kulasihan sa bayan ng Lantapan.

Halos hindi na makilala ang biktima na hinihinalang hinampas ng matigas na bagay sa mukha.

Huli itong nakita sa isang disco pasado alas-onse ng gabi nitong Sabado sa Kulasihan Covered Court.

“With permission sa nanay ng biktima, nabuksan natin ‘yung cellphone at nakita ‘yung conversation ng isa sa mga suspek na huling nakasama niya,” pahayag ni Police Major Joanne Navarro, spokesperson ng Police Regional Office 10 (PRO-10).

Hindi naman matanggap ng inang si Herminia Manyag ang nangyari sa kanyang panganay.

Sa hot pursuit operation ng mga pulis ay nahuli ang 22-anyos na suspek na si Emerson Dimas at kasabwat nitong si Romnick Baga, 18-anyos.

Sa ngayon ay inaalam pa ng pulisya kung ginahasa ang suspek bago ito patayin. (Edwin Balasa)

META: Patay na nang matagpuan ang isang Grade 7 student na tumakas sa kanilang bahay at nagtungo sa sayawan sa Lantapan, Bukidnon.

The post Nene walang paalam na gumimik, binura ang mukha first appeared on Abante Tonite.

Post a Comment

0 Comments