Hinimok ni Senador Raffy Tulfo ang Department of Labor and Employment (DOLE) na pumasok sa isang Memorandum of Agreement (MOA) kasama ang mga local government unit upang maobliga ang mga employer na ibigay ang 13th month pay ng kanilang mga empleyado sa tamang oras.
Ayon kay Tulfo, dapat pumirma sa MOA ang DOLE at Business Permits and Licensing Office (BPLO) ng mga lokal na pamahalaan para harangin ang renewal ng mga pasaway na employer.
“Magpa-Pasko na po. This is the time of the year kung saan inaasam ng ating mga manggagawa na makatanggap po sana sila ng kanilang 13th month pay. Ang nangyayari po kasi kadalasan ay hindi naibibigay ito sa kanila dahil ginugulangan at dinudugasan sila ng kanilang mga employers,” sabi ni Tulfo sa joint hearing ng Senate committee on labor and employment at human resources development.
Sa ilalim ng batas, dapat matanggap ng mga empleyado ang kanilang 13th month pay sa araw na hindi lalampas sa Disyembre 24 kada taon. Pero kahit mayroon nang batas tungkol dito, maraming mga employer pa rin ang hindi nagbabayad sa tamang oras.
Sinabi ni Tulfo na marami na siyang reklamong natanggap mula sa mga mangagagawa na hindi nakatanggap ng 13th month pay. (Dindo Matining)
The post Tulfo bantay sa 13th month pay ng mga employer first appeared on Abante Tonite.
0 Comments