Senior citizen, KO sa sapak ng pintor

Inoobserbahan sa Ospital ng Maynila ang isang 66-anyos na lalaki matapos suntukin sa mukha ng kanyang nakaalitan kamakalawa sa Road 6 Fabie Estate, Sta. Ana, Maynila.

Naaresto sa follow-up operation ng Manila Police District-Police Station 6, ang suspek na si Narciso Plantilla Jr y Villar, 52, pintor at taga-Fabie Estate, Brgy 788 Sta Ana kung saan nakaratay naman sa pagamutan ang biktimang si Roberto King y Tiberio, 66, ng Fabie Estate, Brgy 812 Paco.

Sa imbestigasyon ng San Andres PCP, naganap ang insidente alas-5:30 ng hapon.

Base sa record ng CCTV, nakitang nagtatalo ang biktima at suspek, maya-maya pa ay nakitang sinuntok ni Plantilla ang biktima na kaagad bumagsak sa kalsada at tumama ang ulo.

Isinugod ang biktima sa pagamutan at inireklamo naman ni Susan Javier, kapatid ng biktima ang suspek dahilan para ito arestuhin.

Sinampahan ng kasong frustrated homicide sa Manila Prosecutors Office ang suspek. (Juliet de Loza-Cudia)

The post Senior citizen, KO sa sapak ng pintor first appeared on Abante Tonite.

Post a Comment

0 Comments