Rose Van walang inggit sa mga bagong pantasya ng Vivamax

May bagong ibi-build up ang Viva Films na mga pantasya ng bayan sa kanilang latest offering.

Ito ay ang mga nagseseksihan at kapanta-pantasyang sina Angelica Hart, Audrey Avila, Aiko Garcia, Apple Dy, Aria Bench, Aila Cruz, Armina Alegre at Cess Garcia na contestants sa bagong reality show na ang “Pantaxa: Laiya”.
Anila, gusto rin nilang mag-artista at willing silang higitan ang ginagawang pagpapaseksi ng kasalukuyang crop of Vivamax stars.

Sa naturang show na idinirehe ng award-winning film, commercial at concert director na si Paul Basinillo, maglalaban-laban ang walong maalindog na mga kababaihan para maging susunod na Vivamax stars.

Sasailalim din sila sa iba’t-ibang klasengphysical, mental, sensual at sexual challenges kung saan kakasa ang mga binansagang Pantaxa ladies.

Sina Wilbert Ross at Rose Van Ginkel ang tatayong mga host, habang magsisilbing mentors naman sina Maui Taylor at Katya Santos.

Dalawa sa most in demand stars ng Vivamax ay kasama rin para magbigay inspirasyon: sina Ayanna Misola at Angeli Khang.

Ayon kay Rose Van, sobrang bumilib daw siya sa tapang o pagiging palaban ng contestants na gagawin ang lahat para magkapangalan at sumikat.

Dahil isa siya sa mga diyosa ng Vivamax na nagpapaseksi, naitanong

kay Rose kung nati-threaten ba siya sa mga may bagong pasisikatin ang Vivamax?

Aniya, happy daw siya dahil may mga nabibigyan ng break sa nasabing online platform.

Bilang parte ng Viva family, supportive raw siya Hindi siya nai-insecure sa mga bagong sibol tulad ng Pantaxa ladies.

Aminado rin siyang parte ang kompetisyon sa pag-aartista.

Gayunpaman, sa kaso raw niya ay lumalaban siya nang tahimik.

Naniniwala rin siyang sa lahat ng ito, ang talento pa rin at ang propesyonalismo ang makapagdidikta ng staying power ng isang artista sa showbusiness.

Ang Pantaxa: Laiya ay mapapanood na simula sa Abril 23 sa Vimamax with fresh new episode every Sunday.

Kasama rin sa cast sina Nico Locco, Massimo Scofield at Yuki Sakamoto. (Archie Liao)

The post Rose Van walang inggit sa mga bagong pantasya ng Vivamax first appeared on Abante Tonite.

Post a Comment

0 Comments