Dingdong halimaw ang mga naka-dinner

Pinag-usapan ng mga viewer at netizen ang newest murder mystery series ng GMA Network na “Royal Blood.”

Kagabi ay naganap na ang pagtatagpo ng magkakapatid na Royales na sina, Dingdong Dantes, Rhian Ramos, Lianne Valentin at Mikael Daez.

Pasabog ang dinner scene dahil mga halimaw sa akting ang mga kaeksena nina Dingdong at Tirso Cruz III.

Lahat sila ay may kanya-kanyang moment. Mararamdaman mo talaga ang energy ng bawat character.

Anyway, nag- trending sa Twitter Philippines ang #RoyalBlood pati ang topics na “Dingdong” at “Napoy.”

Puring-puri ng mga televiewer ang kakaibang kuwento ng “Royal Blood” na comeback series ni Kapuso Primetime King Dingdong .

“GMA, once again, delivered an engaging series that promises to keep audiences hooked with its engaging narrative and characters. Something to look forward to every night! Grabe naman simula pa lang, ang intense na ng mga eksena. Looking forward na ma-unearth ang secrets ng Royales fam,” say ng ilang netizens.

Subaybayan ang imbestigasyon sa pagpatay kay Gustavo Royales (Tirso Cruz III) at panoorin ang “Royal Blood,” Lunes hanggang Biyernes tuwing 8:50 p.m. sa GMA Telebabad.

See Related Stories:

Dingdong, Marian kasado na ang pelikula

Marian binusog si Dingdong sa Father’s Day

The post Dingdong ‘halimaw’ ang mga naka-dinner first appeared on Abante Tonite.

Post a Comment

0 Comments