Marinong Pinoy nawawala sa Europe

NAWAWALA ang isang Filipino seaman habang naglalayag sa karagatan ng Norway, may ilang na araw na ang nakalilipas.

Ayon sa tatay ng seaman na taga-Tagkawayan, Quezon, June 16 nang makatanggap siya ng tawag mula sa agency ng anak na si Vincent San Diego nawawala daw ito sa barko.

May tumawag din umano sa kanya na kasamahan ng anak sa barko at sinabing hindi nagre-report ang anak sa kanyang duty.

Nagsagawa naman umano ng search and rescue ang mga kasamahan at tauhan ng barko subalit hindi nakita ang seaman.

Nanawagan ang amasa mga awtoridad na tulungan sila at maimbestigahan ang pangyayari.

Ayon pa sa tatay, base sa kanilang huling pag-uusap ng anak ay papauwi na sana ito ngayong linggo upang magbakasyon at hinihintay lamang ang papalit sa kanya sa barko.

Nagtungo na sa Maynila ang asawa ni Vincent na si Daisy upang humingi ng tulong sa Department of Migrant Workers at POEA. (Ronilo Dagos)

The post Marinong Pinoy nawawala sa Europe first appeared on Abante Tonite.

Post a Comment

0 Comments