Bulkang Mayon kumukulo Phivolcs

Inihambing ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs) sa estado ng isang tao na nasa intensive care unit (ICU) ang patuloy na lagay ng Bulkang Mayon.

“Overall, maaari nating ikumpara ang Mayon na nasa ICU, hindi nag-i-improve pero hindi rin nagde-deteriorate,” paliwanag ni Phivolcs resident volcanologist Dr. Paul Karson Alanis.

Sa loob ng nakalipas na 24 oras ay nakapagtala umano ang bulkan ng 295 rockfall events, tatlong volcanic earthquake, dalawang dome-collapse pyroclastic density currents (PDC) na tumagal ng 2 minuto, 2 lava front collapse pyroclastic density currents (PDC) na naging sanhi ng paglabas ng usok na may taas na 200 meters at paglabas ng 962 tonelada ng sulfur dioxide.

Sa mabagal na ipinapakitang aktibidad ng Bulkang Mayon ay inaasahan na mas tatagal pa umano ang ganitong lagay na maaaring abutin ng buwan.

Nananatili sa alert level 3 ang Bulkang Mayon. (Tina Mendoza)

The post Bulkang Mayon kumukulo – Phivolcs first appeared on Abante Tonite.

Post a Comment

0 Comments