10 sa human trafficking pa-Malaysia nasagip

Nailigtas ang 10 hindi pa pinangalanan na mga biktima ng human trafficking na patungo sana sa Malaysia.

Na-rescue ang mga biktima ng pinagsanib na puwersa ng Naval Forces Western Mindanao (NFWM), Women and Children Protection Center – Mindanao Field Unit, Department of Social Welfare and Development sa Zamboanga Peninsula, City Social Welfare and Development Office – Zamboanga City at Regional Inter-agency Committee on Anti-Trafficking sa Brgy. Baliwasan, Zamboanga City.

Ayon kay NFWM acting spokesperson Ensign Niño Fernando Cunan, pinangakuan ng isang alyas Joy ang mga biktima ng trabaho sa Malaysia.

“One of the rescued individuals disclosed that he previously worked in Malaysia, having [been] paid P4,000 under the false assumption that his travel arrangements were legitimate,” ayon kay Cunan.

Gayunpaman ay alam ng mga biktima na hindi legal ang kanilang magiging estado kundi mga hindi dokumentadong empleyado.
Sumailalim ang mga biktima sa interview, documentation, proper counseling at stress debriefing. (Natalia Antonio)

The post 10 sa human trafficking pa-Malaysia nasagip first appeared on Abante Tonite.

Post a Comment

0 Comments