May katwiran ang pagkontra,pagharang ng mga mambabatas at iba’t ibang grupo sa ipinormang travel guidelines ng guidelines ng Inter-Agency Council Against Trafficking (IACAT).
Sa haba ng listahan palang kasi ay talagang mapapailing ka na lang samantalang ang mga dayuhan ay halos ayaw nang hingan ng kung anu-anong dokumento para lamang makapasok sa ating bansa.
Sabagay sinuspinde na mismo ng Department of Justice (DOJ) ang inisyung travel guidelines ng IACAT kasunod ng ipinasang resolusyon ng Senado para sa pansamantalang pagpapatigil sa implementasyon ng guidelines.
Mabuti at nakinig ang DOJ sa apela ng Senado.
Tama naman talagang dapat ay may transparency at konsultasyon ang isang bagong polisiya para mapulsuhan ang taumbayan.
Hindi dapat nagte-tengang kawali ang mga ahensya ng gobyerno sa mga ipinatutupad na bagong polisiya. Kailangan ang inaalam muna nila ang pulso ng bayan.
Nakakalungkot din kasi na kasabay ng paghihigpit sa mga lalabas ng bansa na Pinoy ay ang pagluluwag ng gobyerno sa mga dayuhang papasok ng Pilipinas.
Kaya hindi ito tama. Hindi tamang gipitin ang mga kababayan nating may malinis na intensiyong magbakasyon o lumabas ng bansa para sa kani-kanilang kadahilanan.
Ang dapat na umayos ay ang IACAT, gumawa sila ng mahigpit na sistema para malansag ang human trafficking sa bansa.
Hindi dapat idamay ang lahat ng mga lumalabas ng bansa na mga Pinoy.
Kung may papahirapan o haharangin gawin ninyo ito sa mga naglipanang galamay ng human trafficking at illegal recruiter at huwag sa mga ordinaryong mamamayan na ang hangad lamang ay makapangibang bansa para mag-enjoy.
Malaking pera, sapat na panahon ang binubuhos ng ating mga kababayan para mapagplanuhan ang isang biyahe palabas ng bansa tapos maha-hassle lang dahil sa wala sa ayos ninyong paghihigpit.
Wala naman tayong isyu sa paghihigpit ninyo sa mga lalabas ng bansa dahil tungkulin ninyo ‘yan pero para lahat na lamang ng mag-a-abroad ay hihigpitan ninyo ay malaki itong kalokohan.
Napakaraming kalokohan sa bagong guidelines gaya ng paghingi ng
original birth certificate, affidavit from the consular office of your destination na malinaw na pahirap sa ating mga Pilipino.
The post Todo-higpit sa mga Pinoy, dayo sobrang luwag first appeared on Abante Tonite.
0 Comments