Baril: Proteksyon, Yabang o Karahasan?

Totoo talaga ang kasabihan, kailanman hindimaitatago ang lihim lalo na kung ito ay isang‘krimen.’

Ang tinutukoy po natin ay ang pinakahulinginsidente ng ‘road rage’ na nangyari sa lungsod ng Quezon.

Nag-viral ang ‘video’ ng isang motorista, huli saakto ang pananapok at pagkasa ng baril laban saisang pobreng siklista.

Marahil kung wala ang social media o socmed, hindi mabubunyag ang pagmamalabis sa isangordinaryong mamamayan na ang may gawa ay dating tagapagpatupad ng batas.

May ilang linggo na pala ang insidente, subali’thindi nabunyag sa media. Marahil hindi nalagay sa‘blotter’ ang pangyayari o kung nasa ‘blotter’ man sa presintong nakakasakop sa pinangyarihan ng ‘krimen’ ay hindi napansin ng mga reporter, o kaya naman ay itinago sa mapanuring mata ng media.

Dahil kalat na sa social media, lumutang nalamang ang suspek. Katabi ang Director ng Quezon City Police District, ang suspek na nakilalang siWilfredo Gonzales, isang retiradong pulis ay inaminna naganap ang insidente at nagka-ayos na sila ng siklista.

Sa pahayag ni Gonzales, sinisi niya ang ‘socmed at netizen’ dahil hindi naman alam ang pinagmulanng insidente.

Pero ang malinaw sapul sa video ang pananapok at pagkasa ng baril ni Gonzales.

Kahit sa ano pa mang dahilan, nagkaayos man o hindi, mali pa ring manakot ng kapwa gamit anganumang sandata.

Ngayong naging ‘national issue ang pagmamalabisni Gonzales sa isang sibilyan, nabungkal tuloy angkanyang ‘record’ noong nasa serbisyo pa at hindimaganda ang nakikita ng taong-bayan.

Kung totoo ang mga impormasyon na tinakot angsiklista kaya nakipag-ayos kay Gonzales, may pangamba na hindi na uusad ang kaso laban saretiradong pulis.

Walang biktima na handang magreklamo, kahit namay ‘video’ na nagpapakita ng ‘kabangisan’ ng retiradong pulis kung banta sa buhay niya angnakasalalay dito.

0000

Ang ‘road rage’ na humantong sa pagkasa ng barilsa isang sibilyan ay isang argumento namagpapatunay na talagang walang magandangmaidudulot ang pagdadala ng baril sa labas ng bahay.

Kung proteksiyon ito para sa mga ‘gun lovers,’ disgrasya naman ang maaring dulot nito kapagang may bitbit ng baril ay mawala sa tamang pag-iisip.

Lisensiyado man o hindi. Otorisado man o hindiang isang indibidwal na magbitbit ng baril, kapagnagkaroon ng insidente tulad ng ‘road rage” o anumang di pagkakaintindihang makaka trigger ng galit, mas malamang na magamit ang baril sapananakot o ang pinakamalupit, magamit ang barilsa pagkitil ng buhay ng walang kalaban-labang nilalang.

The post Baril: Proteksyon, Yabang o Karahasan? first appeared on Abante Tonite.

Post a Comment

0 Comments