Nagbabala ang Bureau of Immigration (BI) sa mga biyahero na wag mabiktima ng mga recruiter na nagbibigay ng pekeng dokumento.
Ang nasabing pahayag ay matapos malaman ang kaso ng isang babaeng pasahero na pinigilang makaalis sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) noong Oktubre 19 nang malaman ng BI na nauna nang ipinagpaliban ang kanyang pag-alis matapos siyang mahuli na gumagamit ng pekeng travel documents.
Ang pasahero na patungo sa Oman, ay nagsabing bibisitahin niya ang kanyang asawa ngunit ang sertipiko ng kasal na kanyang ipinakita ay peke.
Sa huli ay inamin niya na ang lahat ng mga dokumentong ipinakita niya, kabilang ang sinasabing affidavit of support ng kanyang kasintahan, ay pawang peke.
Sa pagsusuri sa kanyang rekord sa paglalakbay, natuklasan na noong Setyembre, sinubukan din ng pasahero na umalis patungong Malaysia ngunit naharang dahil sa pekeng mga dokumento. (Mina Navarro)
The post Babaeng may pekeng asawa hinarang first appeared on Abante Tonite.
0 Comments