Nagbabala ang pamahalaan sa lahat ng mga kandidato sa darating na Barangay and Sangguniang Kabataan Elections (BSKE) na ang sino mang mapapatunayang bumigay sa ‘New People’s Army (NPA) permit ay mananagot sa batas.
Ito ang hayagang inilahad ni Major General Edgar Alan Okubo ng PNP Directorate for Police Community Relations (DPCR) sa virtual na pulong balitaan ng National Task Force to End Local Communist Armed Conflict nitong Biyernes.
Maging ang pangangampanya sa mga personalidad na nabibilang sa mga komunistang-terorista ay ipinagbabawal din, ayon kay Okubo lalo na ang mga kandidatong bumigay sa
“permit to campaign” at “permit to win” ng NPA.
“Dito naman po sa mga kandidato natin na maaaring ma-engage ng mga tinatawag na CTGs para sa kanilang permit to win, permit to campaign, gusto namin silang paalalahan na ang pagbibigay po ng finances para dito sa mga CTGs ay punishable po sa ating batas partikular sa Section 4 ng Republic Act 10168, o ang Anti-Terror Financing Act of 2012, o ‘yung RA 11479, o Anti-Terrorism Law of 2020,” ang paliwanag ni Okubo.
“Mako-consider po kayong nagsu-support o nagpi-finance dito sa terorismo, sa mga CTGs, dahil meron po tayong regulasyon, batas o panuntunan na sila po’y mga miyembro ng terorismo, considered bilang miyembro ng terrorist organizations ng iba’t-ibang bansa,” dagdag pa niya.
Bagamat sinabi rin ni Okubo na ang walang record ang PNP sa ganitong mga istilo kapag may halalan, di hahayaan ng kapulisan makalusot ang mga ito upang msprotektahan ang integridad ng maghahanap na BSKE.
“Actually, pati nga po ‘yung permit to win at permit to campaign, wala pa po kaming nabasa o dumating dito sa opisina para ma-address po ‘yan although nakahanda po kami na i-monitor o tugunan ‘yung mga issues na lalabas na ganyan,” ang sabi ng opisyal.
Dagdag pa ni Okubo ang puwersa ng NPA ayon sa kanilang directorate intelligence data ay bumaba na sa 1,529 na lamang. At sa bilang na yan, 707 na lamang ang nasa Luzon, 575 ang nasa Visayas, at 247 sa Mindanao.
Ang Armed Forces of the Philippines (AFP) ay walang tigil sa pagsusumikap na wakasan ang mga ito kaya ang natitira na lamang na malakas at aktibong NPA front, ay ang Front Committee 1 nito sa Northern Samar na target na malusaw ng Army bago matapos ang taon na ito.
“Aside dun sa ating binabantayan na areas sa Northern Samar, meron din tayong tinatawag na 19 guerrilla fronts that have been considered weak. Weak pa lang naman ‘yun, so we continuously monitor them,” ang sabi ni Okubo.
The post Mga kandidatong susunod sa NPA ‘permit’ mananagot first appeared on Abante Tonite.
0 Comments