Nasa 91,094,822 botante ang inaasahang lalahok sa Barangay and Sangguniang Kabataan Elections (BSKE) na isasagawa sa Lunes, Oktubre 30.
Ayon sa datos na inilabas ng Elections Records and Statistics Department ng Commission on Elections (Comelec), sa nabanggit na bilang ay 67,839,861 ang mga botante para sa barangay at 23,254,961 sa SK.
Isasagawa ang barangay at SK eleksiyon sa 42,001 barangay sa 149 siyudad at 1,485 munisipalidad sa buong bansa.
Ikinasa na rin umano ang 37,341 voting center na may 201,993 clustered precincts.
Kabilang sa mga puwesto na pagbobotohan ay ang punong barangay, mga miyembro ng Sangguniang Barangay, chairperson ng SK at mga miyembro nito. (Juliet de Loza-Cudia)
The post Comelec abangers sa buhos ng higit 91M botante first appeared on Abante Tonite.
0 Comments