Kasunod ng tagumpay ng Healthy Pilipinas campaign, kinilala ng Department of Health (DOH) ang mga organisasyon na katuwang nito dahil sa patuloy na suporta at pagsusulong ng adbokasiya tungo sa healthy lifestyle ng mga Pilipino.
Ito’y sa pamamagitan ng Healthy Pilipinas Awards for Partners na ginanap sa Philippine International Convention Center sa Pasay City noong Oktubre 27, 2023.
Kasama ng DOH ang Galing Pook Foundation sa pagkakaloob ng parangal sa kanilang mga partner na organisasyon na tumutulong sa adhikaing maging malusog ang mamamayan sa Pilipinas.
Kabilang sa mga binigyan ng parangal ay mula sa mga ahensiya ng pamahalaan at pribadong sektor gayundin ang mga civil organization.
Ibinigay ang iba’t ibang parangal alinsunod sa pitong priority area na nakasaad sa DOH Health Promotion Framework Strategy: nutrition and physical activity, environmental health, vaccine and immunization, substance control, mental health, sexual and reproductive health, at violence and injury prevention.
Layon ng DOH sa pagkakaloob ng mga parangal na palakasin pa ang pagtulong ng mga organisasyon upang isulong ang Health Promotion Framework Strategy.
The post DOH binida mga pakner sa Healthy Pilipinas first appeared on Abante Tonite.
0 Comments