Mga kapit-tuko sa PhilHealth pinasisibat

Nanawagan ang unyon ng Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth) sa executive committee members nito na magbitiw na matapos inianunsiyo ni Health Secretary Teddy Herbosa ang pag-aalis ng tungkulin ng execom ng kompanya.

Sa panayam sa Ted Failon and DJ Chacha sa 92.3 FM, sinabi ni PhilHealth WHITE National President Fe Francisco na dapat nang umalis sa puwesto sina Philhealth President and CEO Emmanuel Ledesma Jr. at iba pa niyang kasamahan sa execom matapos ang hacking ng kanilang website ng grupong Medusa.

“Management is really trying to cover up this breach. And, in fact, they’ve been lying….sa senate hearings,” sabi ni Francisco.

Sa October 11 hearing ng senado, sinabi ni Ledesma na nagbayad na ng ilang porsiyento ang PhilHealth sa utang nito sa mga ospital na pinasinungalingan naman ni Herbosa.

“They lied about what info was compromised, pati payments sa hospitals. How can we believe them now? We have lost trust and confidence in them…kung meron silang delikadesa, they have to step down and give way to officers who can handle this crisis,” diin ni Francisco.

Kuwento pa ni Francisco, kawawa ang kanilang mga frontliners dahil sila ang pinagbubuntunan ng galit ng mga miyembro at walang malinaw na guidelines na binibigay ang management.

Dagdag ni Francisco, tungkulin ng pinuno ng ahensiya ang pagsisiguro ng data privacy ng mga tao at maituturing na large scale ang nangyari dahil higit sa 100 ang apektado. (Eileen Mencias)

The post Mga kapit-tuko sa PhilHealth pinasisibat first appeared on Abante Tonite.

Post a Comment

0 Comments