Pamilya ng 3 nasawi sa Israel, may scholarship

Itutulak ni Bagong Henerasyon Party-list Rep. Bernadette Herrera na mapasama ang mga dependent ng mga nasawing overseas Filipino worker (OFW) sa kaguluhan sa Israel sa congressional migrant workers scholarship program.

Ayon kay Herrera makikipag-ugnayan ang kanyang tanggapan sa mga naulila sa pagpanaw nina Angelyn Peralta Aguirre, Paul Vincent Castelvi, at Loreta Villarin Alacre upang malaman kung sino ang kanilang dependent na maaaring maipasok sa naturang scholarship program.

“Nararapat lamang maging scholars ang kanilang mga kaanak na nag-aaral, dahil ipinaglaban nila ang kanilang mga pamilya, itinaas ang dignidad ng kanilang propesyon, nagmalakaskit nang lubusan sa kanilang mga inalagaan, at nagpamalas ng sukdulang kabayanihan bilang Pilipino,” sabi ni Herrera.

Ang congressional migrant workers scholarship program ay nasa ilalim ng Overseas Workers Welfare Administration (OWWA). (Billy Begas)

The post Pamilya ng 3 nasawi sa Israel, may scholarship first appeared on Abante Tonite.

Post a Comment

0 Comments