Proteksiyon ng mga titser sa BSKE pinatitiyak

Hinikayat ni Senador Sherwin Gatchalian ang Commission on Elections (Comelec), Department of the Interior and Local Government (DILG), at Philippine National Police (PNP) na tiyaking protektado ang mga gurong manunungkulan sa Barangay at Sangguniang Kabataan (SK) elections sa darating na Oktubre 30.

Sa listahan ng Comelec, noong Oktubre 20, may 361 na mga lugar o barangay na itinuturing na election hotspots o nasa red category.

Ibig sabihin nito, ayon kay Gatchalian, mayroong election-related incidents sa mga lugar na ito tulad ng mga banta sa seguridad mula sa mga teroristang grupo, o kung isinailalim ang isang lugar sa kontrol ng Comelec.

Inaasahan din ng Comelec na darami pa ang election hotspots habang papalapit ang araw ng halalan.

Umaabot sa 1,271 na lugar ang inilagay sa ilalim ng orange category at 1,199 naman ang nasa yellow category. Bagama’t walang banta ng mga domestic terror groups sa mga yellow areas, mayroon ditong hinihinalang mga insidente ng karahasang may kinalaman sa eleksiyon sa nagdaang dalawang eleksiyon. (Dindo Matining)

The post Proteksiyon ng mga titser sa BSKE pinatitiyak first appeared on Abante Tonite.

Post a Comment

0 Comments