Nanawagan ang Kamara de Representantes sa Land Transportation Office (LTO) at Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) na hulihin ang mga sasakyan na gumagamit ng plaka na may numerong “8”.
Nilinaw ng tanggapan ni House Secretary General Reginald Velasco na walang inisyu o binigyan ng awtorisasyon ang Kamara sa paggamit ng official plate para sa sasakyan ng mga kongresista.
“The House of Representatives has not released, or authorized the use of, official plates for vehicles of House Members,” sabi ni Velasco.
Dahil dito, nanawagan si Velasco sa LTO at MMDA na arestuhin ang mga nagmamaneho ng sasakyan na may plaka na “8” ang numero.
Dagdag pa ni Velasco na kumpiskahin ng LTO o MMDA ang mga may ganitong plaka na expire na o peke.
(Billy Begas/Eralyn Prado)
The post Mga payabang sa plakang `8’ arestuhin – Kamara first appeared on Abante Tonite.
0 Comments