Marcos binisita ng Japanese PM sa MalacaƱang

Mainit na pagsalubong ang ibinigay ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa delegasyon ni Japanese Prime Minister Fumio Kishida na bumisita sa MalacaƱang nitong Biyernes ng gabi, Nobyembre 3.

Dumating ang Prime Minister sa MalacaƱang dakong alas-6:04 ng gabi at binigyan ng arrival honors kasunod ang paglagda nito sa guest book ng Palasyo.

Nagkaroon ng bilateral meeting sina Pangulong Marcos at Prime Minister Kishida kung saan pinag-usapan ang mga mahahalagang isyung may kinalaman sa Pilipinas at Japan.

Layon din ng pag-uusap na mas palawigin pa ang pagtutulungan ng dalawang bansa sa aspetong politikal, seguridad, kooperasyon sa ekonomiya at pag-unlad.

Sinaksihan din nina Pangulong Marcos at Prime Minister Kishida ang paglagda ng ilang mga kasunduan na parehong pakikinabangan ng dalawang bansa.

Inaasahang maglalabas ng pahayag ang dalawang lider pagkatapos ng kanilang bilateral meeting.

(Aileen taliping)

The post Marcos binisita ng Japanese PM sa MalacaƱang first appeared on Abante Tonite.

Post a Comment

0 Comments