Isa ang Pilipinas sa mga bansang may pinakamataas na antas ng self-reported loneliness, batay sa survey ng Meta-Gallup.
Lagpas kalahati ng mga Pilipino o 57% ang nagsabing sila’y nalulungkot.
Mas mataas ito kumpara sa pandaigdigang average na 24%.
Sa global result, pinakakaunting malungkot ay matatanda na 65-anyos pataas habang may pinakamaraming nalulungkot ang mga nasa edad 19 hanggang 29 o young adults.
Ang iba pang bansa na may self-reported loneliness na 50% pataas ay ang Lesotho, Africa (58%); Uganda (53%); Botswana (50%) at Afghanistan (50%).
Isinagawa ng Meta-Gallup ang survey sa mahigit 140 bansa.
Ayon sa eksperto, malaki ang kinalaman ng kawalan ng koneksyon sa ibang tao ang nararamdamang kalungkutan.
“Ang isang tao dapat socially connected hindi lamang sa sarili niya kundi connected din siya sa ibang tao, friends, family members, kasama sa trabaho because social connectedness with others is also a form of support para sa kanya,” ayon kay Lilia Ng Gui, isang psychologist at relational life coach, sa panayam ng “24 Oras”.
(Issa Santiago)
The post 57% ng mga Pinoy malungkot buhay – survey first appeared on Abante Tonite.
0 Comments