Mayor Jeannie pinanumpa mga bagong halal na Barangay, SK opisyal ng Malabon

Nanumpa na ang mga nanalong opisyal ng Barangay at Sangguniang Kabataan kahapon sa isang seremonya na ginanap sa Malabon Sports complex bilang hudyat ng pagsisimula ng kanilang 2-taong termino hanggang Disyembre 2025.

Pinangunahan ni Mayor Jeannie Sandoval kasama sina DILG Malabon OIC City Director Jess Marie Alcoba, ang pagpapanumpa na sinaksihan ng Malabon City Council, department heads at mga empleyado ng City Hall, gayundin ang pamilya at kaibigan ng mga nagwagi sa katatapos na BSKE.

“It is vital that we build up our community in ways that ensure no Malabueño is left out or left behind, or passed up” ani Mayor Jeannie. “Today, we celebrate the commitment of our elected officials to advance the City of Malabon’s mission, vision and goals” dagdag ni Mayor Jeannie.

Pinuri rin sa nasabing seremonya ang panalo ng mga reeleksiyunistang opisyal kabilang si Sheryl Nolasco, Barangay Captain ng Potrero.

Isang karangalan naman para sa bagong halal na si Barangay Captain Butch Cruz na makatulong sa programa ng administrasyon.

“Today is special and meaningful for me. I am honored to be in a position to help advance the administration’s programs for Baranggay Panghulo and what it means to be a Malabueño,” giit nito.

The post Mayor Jeannie pinanumpa mga bagong halal na Barangay, SK opisyal ng Malabon first appeared on Abante Tonite.

Post a Comment

0 Comments