200 bata todas sa kampo ng kulto

Mahigit 200 bata ang namatay sa Sitio Kapihan sa Surigao del Norte, ang lugar ng diumano’y kulto na Socorro Bayanihan Services INC. (SBSI), ayon kay Senadora Risa Hontiveros.

Ginawa ni Hontiveros ang rebelasyon sa panghuling pagdinig ng Senate committee on public and dangerous drug sa SBSI kung saan sinabi ng kanilang impormante na mahigit 200 bata ang namatay sa nasabing lugar.

“In fact, if our informants are to be believed, higit 200 ang namamatay na mga bata from the ages of newborn to 4 years old,” pahayag ni Hontiveros.

“If this is true, why so many dead babies? Why are we allowing children to die?” dagdag niya.

Sa naturang pagdinig, ibinahagi ni Randolf Balbarino kung paano namatay ang kanyang anak sa Sitio Kapihan noong 2020. Lahad niya, nanganak ang kanyang asawa noong Disyembre 14, 2020 sa function hall ng SBSI na nagsilbi ring delivery area at ospital.

Lumabas umano ang sanggol na una ang paa sa halip na ulo. Sabi ni Balbarino, gusto sana nilang magpakonsulta sa pinakamalapit ng ospital subalit pinigilan silang malakabas ng Sitio Kapihan. (Dindo Matining)

The post 200 bata todas sa kampo ng kulto first appeared on Abante Tonite.

Post a Comment

0 Comments