Asinta nang pinakamagagaling na triathlon team sa bansa na Tri SND Barracuda, Fit PH at Baguio Benguet Triathlon, kasama ang walong nangunguna pang koponan, na maabot sa tamang oras ang porma para sa dikdikang labanan sa pangunahing karangalan sa IRONMAN 70.3 Puerto Princesa na magsisilbing punong abala sa unang pagkakataon ng Asia TriClub and Relay Championships sa Nov. 12 sa Palawan.
Naglagay ang City of Puerto Princesa, sa pamumuno ni Mayor Lucilo Bayron, ng P500K prize para sa top club sa premier endurance race na paglalabanan sa 1.9km swim, 90km bike, 21.1k run sa mahigpit na ruta na tinaguriang lungsod sa gubat.
Kasama sa early roster sa Asia TriClub ang Gas Coaching, Las Vegas Tri Club, Heroes Hotel Adventure, Army Navy Southtri, Loolaba Tri Club, Les Sables Vendee, La Rochelle Tri at KOA Sports. Inaasahang marami pang team ang makikipagtuos.
Bibilangin ang puntos base sa resulta at bilang ng mga kalahok sa bawat tri club.
Kasagsagan na ang registration. Sa mga detalye pa, mag-log on sa ironman.com/im703-puerto-princesa-register, ayon sa organizing The IRONMAN Group/Sunrise Events, Inc.
Ang alkalde rin ang magkakaloob ng iba pang money prizes sa ibang categories, kabilang ang P60K each sa top overall male at female finishers sa kaganapang mga hatid ng Vinfast, Active, Gatorade, HOKA, ROKA, Breitling 1884,Athletic Brewing Co., Fulgaz, Hyperice, Qatar Airways, Red Bull, Santini at Wahoo.
Ang team na may fastest cumulative time ng top five members anumang ang edad at kasarian ang magsusubi ng P50K habang ang top relay all-male, all-female at mixed teams mga mabibiyayaan ng P10K bawat isa.
Ang pinakamabilis sa languyan, padyakan at takbuhan ay may P10K each din.
Sa hosting ng Asia TriClub and Relay Championships, inaasahang malalampasan ng IRONMAN 70.3 Puerto Princesa ang tagumay ng unang edsyon noong isang taon dahil sa pagsama sa 2023 Global IRONMAN TriClub Championship Series bilang ika-10 sa internasyonal.
Bahagi ang IM 70.3 Puerto Princesa ng Global TriClub Championship Series, na mga aarangkada rin sa Panama, Oceanside, Marbella, Australia, Victoria, Virginia’s Blue Ridge, Steelhead, Maine, at Wisconsin.
Sisiklab ang IM 70.3 Puerto Princesa sa 5K Fun Run sa Nov. 10, at IRONKIDS Philippines na para sa mga kabataang triathlete na may 6-15 taon, sa Nov. 11.
Ang ibang mga pumapadrino rito ay angAlways Advancing, Compressport, Ekoi, Nirvana, Outside+, Sportograf.com, City of Puerto Princesa, RLC Residences, Sante Barley, Lightwater, Prudential Guarantee, Regent Foods, Philippine Star, One Sports+ at Cignal.
(Abante TONITE Sports)
The post Mga tigasing koponan kita-kits sa IRONMAN Puerto Princesa first appeared on Abante Tonite.
0 Comments