Si Lawrence Faucette, ang pangalawang tao na nakatanggap ng genetically modified pig heart sa isang transplant, ay namatay na anim na linggo pagkatapos ng experimental procedure.
Sinabi ng University of Maryland Medical Center, kung saan isinagawa ang experimental procedure, na ang puso nito ay nagsimulang magpakita ng pagpalya sa mga nakaraang araw.
“Mr. Faucette’s last wish was for us to make the most of what we have learned from our experience, so others may be guaranteed a chance for a new heart when a human organ is unavailable. He then told the team of doctors and nurses who gathered around him that he loved us. We will miss him tremendously,” ayon kay Dr. Bartley Griffith, clinical director ng Cardiac Xenotransplantation Program sa University of Maryland School of Medicine, sa isang pahayag.
Si Faucette, 58 taong gulang, ay unang na-admit sa UMMC noong Setyembre 14 matapos makaranas ng mga sintomas ng heart failure at sumailalim sa experimental transplant makalipas ang anim na araw.
Dahil sa kaniyang sakit sa puso at dati nang mga kondisyon, hindi siya kwalipikado para sa tradisyunal na transplant ng puso ng tao.
(Carl Santiago)
The post Ika-2 sumailalim sa pig heart transplant, pumanaw na first appeared on Abante Tonite.
0 Comments