`Pinas, Japan pinorma VFA

Nagkasundo ang Pilipinas at Japan para magkaroon Reciprocal Access Agreement (RAA) na magbibigay-daan para sa Visiting Forces Agreement (VFA) sa harap ng lumalakas na tensiyon sa South China Sea.

Sa joint statement nina Pangulong Ferdinand Marcos Jr. at Japanese Prime Minister Fumio Kishida pagkatapos ng bilateral meeting sa Malacañang nitong Biyernes ng gabi (Nobyembre 3), nagkasundo ang dalawang lider para palakasin ang ugnayan sa depensa at seguridad ng dalawang bansa.

Inaasahang magsisimula ang negosasyon sa lalong madaling panahon upang matugunan ang problema at tension sa South China Sea.

“I also would like to recall our commitment to work on a framework for our status of visiting forces or the proposed Reciprocal Access Agreement (RAA) with Japan,” pahayag ni Pangulong Marcos.

Aniya, malaki ang magiging pakinabang sa ganitong kasunduan para sa depensa at mga military personnel ng dalawang bansa upang mapanatili ang kapayapaan at seguridad sa rehiyon.

Sinang-ayunan naman ni Prime Minister Kishida ang pahayag ni Pangulong Marcos at nagkasundo sila na mas paigtingin pa ang trilateral cooperation ng Estados Unidos, Japan at Pilipinas.

(Aileen Taliping)

The post `Pinas, Japan pinorma VFA first appeared on Abante Tonite.

Post a Comment

0 Comments