Publiko binalaan vs frozen meat

Binalaan ng Department of Agriculture (DA) ang publiko laban sa mga ibinebentang frozen meat sa mga wet market na posible umanong kontaminado ng mga bacteria.

Payo ng DA sa mga mamimili, tignan muna ang tatak ng National Meat Inspection Service (NMIS) upang matiyak na ligtas kainin ang mga ito.

Kasabay nito, binalaan din ni Agriculture Undersecretary Deogracias Victor Savellano ang mga vendor at mga negosyante na nagbebenta ng frozen meat sa mga wet market.

Dahil aniya sa kawalan ng refrigeration facility at kakulangan ng kaalaman ng mga vendor sa paghawak ng frozen meat, posibleng makontamina ng bacteria ang mga karne peligroso sa kalusugan ng tao.

Dahil dito, makikipagtulungan aniya ang DA sa Department of Trade and Industry (DTI) upang maalis sa public wet market ang mga ganitong uri ng karne.

Alinsunod sa DA Administrative Order 6-2012, mahigpit na ipinagbabawal ang pagbenta ng frozen meat sa mga wet market.

Pinapayagan lamang ito sa mga hotel, restaurant at supermarket na mayroong refrigeration facility at handling expertise.

(Dolly Cabreza)

The post Publiko binalaan vs frozen meat first appeared on Abante Tonite.

Post a Comment

0 Comments