Mag-utol hinostage, baby kinatay

Sa halip na masayang selebrasyon para sa kanyang unang kaarawan, trahedya ang sinapit ng isang sanggol nang walang awa itong katayin ng lalaking pumasok sa kanilang bahay at i-hostage silang magkapatid sa bayan ng Zaragoza, Nueva Ecija noong Biyernes nang gabi.

Sa ulat ng Philippine National Police (PNP), kasama ng magkapatid ang kanilang ina nang biglang pumasok ang suspek na si Julius Cesar Ton, 38 anyos, sa kanilang bahay sa Barangay Concepcion West bandang alas-siyete nang gabi.

Dahil sa pagkabigla, hindi umano nakakilos ang ina ng magkapatid nang hablutin ng suspek ang mga ito at tutukan ng patalim.

Wala sa bahay ang ama ng mga biktima nang mangyari ang krimen.

Samantala, sinikap ng mga pulis na makipag-negosasyon sa suspek para ligtas na palayain ang mga magkapatid.

Pagkalipas ng limang oras, narinig nilang umiyak ang sanggol sabay sigaw ng suspek na sinaksak niya ito dahilan para pwersahan nang pasukin ng mga awtoridad ang bahay.

Pagpasok sa bahay ay agad ng binaril ang suspek pero hindi rin nailigtas ang sanggol.

Samantala, sugatan naman ang kapatid ng sanggol at ginagamot ito ngayon sa isang ospital.

Iniimbestigahan na ang motibo ng krimen dahil taga-Abra ang suspek at hindi taga-roon sa lugar.

The post Mag-utol hinostage, baby kinatay first appeared on Abante Tonite.

Post a Comment

0 Comments