#MasayaSaTanza

Dinarayo hindi lang ng mga taga-Tanza kundi ng mga taga-kalapit bayan at lungsod sa Cavite ang taunang YAP Food Fair and Bazaar na nakapuwesto sa Plaza de San Agustin.

Nakaugalian na ito ng mga Tanzeño tuwing Disyembre at Pebrero kung kailan naman ipinagdiriwang ang Araw ng Tanza.

Nitong December 1, opisyal nang binuksan sa publiko ang food fair an inorganisa ng lokal na pamahalaan sa pangunguna ng IT Department at YAP Entertainment ng LGU Tanza.

True to its promise na #MasayaSaTanza, talagang kinagiliwan sa opening salvo si Santa Claus na game na nakipaglitratuhan sa mga bata at matatanda.

Dagdag din sa atraksyon ang higanteng puting Christmas tree na talaga namang kumikinang-kinang sa dami ng dekorasyon at mga palamuti.

Para complete ang white Christmas experience, hindi rin nawala ang snow machine.

Kaya ang mga present sa opening day ng food fair, enjoy na enjoy!

Ang talagang pinapasyalan ng mga taga-Tanza, ang samu’t saring pagkain at inumin na talagang patok sa kumakalam na sikmura.

Pinipilahan nang husto ang ihaw-ihaw – mga laman-loob ng baboy at manok kabilang ang bituka, betamax at adidas. Bida rin ang siomai – sa murang halaga, busog ka na.

May pantapat din ang Tanza sa Ilocos empanada.

Di rin mawawala ngayong Pasko ang special puto bumbong na talaga namang matatakam ka sa dami ng butter at cheese.

Kapag nauhaw – maraming pagpipiliang kapehan gaya ng Road Café at Graciano’s Coffee. May variety of milktea rin sa ibang puwesto kaya maraming choices.

Bukod sa dami ng makakainan, may bazaar din na nag-aalok naman ng dry goods gaya ng shirts, jackets, caps at iba pa.

Tiniyak naman ni Kuya Vic Reyes, Head ng Organizing Team ang seguridad at kaligtasan ng mga nakiki-foodtrip.

On-standy sa area mula 5pm hanggang 11pm ang puwersa ng PNP, BFP, at local rescue units ng LGU Tanza.

Pakiusap lang nila sa mga papasyal, itapon sa tamang lagayan ang mga kalat. May mga basurahan namang nakapuwesto sa parke.

Dalawang linggo tatagal ang YAP Food Fair and Bazaar.

O ano, lalayo ka pa ba? Kung malapit ka lang dito, tara na dahil #MasayaSaTanza!

The post #MasayaSaTanza first appeared on Abante Tonite.

Post a Comment

0 Comments