Nakakuha ng kakampi si Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. sa mga bisitang senador mula sa Estados Unidos kaugnay sa marahas na mga ginagawang aksiyon ng China sa puwersa ng gobyerno sa West Philippine Sea.
Sa ginawang pagbisita ng US Congressional delegation sa Malacañang nitong Martes nang hapon, ipinaabot ni Senator Kirsten Gillibard kay Pangulong Marcos ang kanilang pananaw sa isyung nakapaloob sa tensiyon sa West Philippine Sea.
Nababahala aniya sila sa mga insidente ng pangha-harass at pambu-bully ng China Coast Guard sa mga barko ng Philippine Coast Guard at tiniyak sa pangulo na nasa likod niya ang mga ito.
“We share your concern about China’s aggression with regard to many of the issues around the Philippines. We Stand with you and we want to continue to stand by you, and with you, and to push that aggression back appropriately,” ani Gillibrand. (Aileen Taliping)
The post Mga US senator kay BBM: Nasa likod mo kami first appeared on Abante Tonite.
0 Comments