Poe bet suporta ng publiko sa Animal Welfare bill

Makakatulong ang malakas na suporta ng publiko para agad na maaprubahan ang panukala na magbibigay ng higit na proteksiyon sa mga hayop.

Ito ang sinabi ni Senadora Grace Poe matapos ang panibagong kaso ng pagmamalupit sa mga hayop kung saan dalawang shih tzu naman ang pinutulan ng tenga ng hindi pa nakikilalang salarin sa Albay.

“It is disheartening to hear more cases of torture, neglect and maltreatment of animals after we pushed for the amendment of the Animal Welfare Act in the Senate,” sabi ni Poe sa isang statement.

“We hope that the strong public reception to our cause is well-received by our colleagues in Congress for them to immediately act on the proposed measure,” dagdag pa niya.

Ikinatuwa naman ni Poe ang pangako ni Senate President Juan Miguel Zubiri magiging prayoridad ng Senado ang pag-apruba sa isinusulong na panukalang pag-amiyenda sa Animal Welfare Act.

Nauna nang kinondena ni Poe ang pagpatay sa golden retriever na pinaslang sa Camarines Sur. (Dindo Matining)

The post Poe bet suporta ng publiko sa Animal Welfare bill first appeared on Abante Tonite.

Post a Comment

0 Comments