PBBM pinanood pagwasak ng mga boga sa Basilan

Personal na sinaksihan ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos ang pagsira sa mahigit 500 loose firearms na isinuko sa pamahalaan sa Basilan.

Bahagi ito ng Small Arms and Light Weapons Management (SALWM) Program ng pamahalaang panlalawigan ng Basilan na layuning mabawasan, kung hindi man ganap na mawala ang mga armas upang hindi magamit sa mga krimen.

“It is a very clear landmark on the progress we have been making in bringing peace to Southern Philippines,” pahayag ni Pangulong Marcos.

Binanggit pa nito na siya ang unang pangulo na nakapunta sa “ground zero” kung saan may giyera laban sa mga terorista sa Mindanao.

Tiniyak naman ni Pangulong Marcos na hindi lamang dapat kapayapaan ang isinusulong kundi kailangan din na magpatuloy ang mga gawain upang magkaroon ng maayos na kabuhayan at pag-unlad sa Basilan at sa iba pang probinsya na mayroong nagaganap na digmaan.

The post PBBM pinanood pagwasak ng mga boga sa Basilan first appeared on Abante Tonite.

Post a Comment

0 Comments