123 bayan sa `Pinas walang bumbero

Nasa 123 bayan sa buong bansa ang wala pang fire trucks at stations, sabi ni Bureau of Fire Protection (BFP) spokesperson Supt. Annalee Atienza.

Ayon kay Atienza, bibili pa ang ahensiya ng karagdagang fire trucks at magha-hire din sila ng mga tauhan.

“For now, as of January, 123 municipalities do not have the service of the Bureau of Fire Protection, which means they do not have a fire truck and they do not have a fire station. There is just a fire prevention officer that implements the Fire Code,” sabi ni Atienza sa Bagong Pilipinas Ngayon public briefing.

Ibinida rin ng opisyal na ngayong 2024 ang simula ng implementasyon ng BFP modernization program.

Tatakbo ang naturang programa sa loob ng 10 taon.

Samantala, inaasahan naman ng BFP na magdadagdag din ng iba pang kagamitan at sasakyan katulad ng mga helicopter.

Matatandaan na nilagdaan ni dating Pangulong Rodrigo Duterte noong 2021 ang Republic Act No. 11589 o ang Bureau of Fire Protection Modernization Act. (Vincent Pagaduan)

The post 123 bayan sa `Pinas walang bumbero first appeared on Abante Tonite.

Post a Comment

0 Comments