Pangungunahan ng bagong WBC minimumweight champion na si Melvin Jerusalem ang mga bisita sa bihirang three-part session ng Philippine Sportswriters Association Forum ngayong Martes (April 2), sa Rizal Memorial Sports Complex conference hall.
Sasamahan si Jerusalem ni Sanman Promotions CEO JC Mananquil at team niyang galing Nagoya, Japan nang agawin ng 30-year-old boxer ang 105-lb version ng WBC sa bisa ng split decision victory kay hometown bet Yudai Shigeoka.
Magsisimula ng 10 a.m. ang Forum na mga ihahatid ng San Miguel Corporation, Philippine Sports Commission, Philippine Olympic Committee, PLDT/Smart, Milo at ArenaPlus.
Bisita rin si PSC commissioner Fritz Gaston at mga kinatawan ng Hoka Trilogy Run Asia.
Hihimayin ni GAston ang proyekto niyang Indigenous Games. Ibabahagi nina Runrio events manager Kamille May Atienza at ilang kinatawan ng HOKA ang three-leg run series na pakakawalan ngayong weekend sa Mall of Asia Complex.
Naka-livestream ang Forum sa Facebook page fb.com/PhilippineSportswritersAssociation at ineere nang delayed basis sa Radyo Pilipinas na nagsi-share rin nito sa kanilang official FB page. (Vladi Eduarte)
The post 3 sports tatalakayin sa PSA Forum first appeared on Abante Tonite.
0 Comments