Ipinaubaya ng Task Force El NiƱo sa mga local government unit (LGU) ang pagdeklara ng suspensiyon ng klase dahil sa nararanasang matinding init ng panahon dulot ng El NiƱo phenomenon kasabay ng panahon ng tag-araw.
Kasunod ito ng ulat na ilang mga paaralan sa bansa ang nagsuspinde ng klase sa matapos umakyat sa mataas na temperatura ang kanilang mga lugar.
Sa Bagong Pilipinas public briefing nitong Lunes, Abril 1, sinabi ni Presidential Communications Office (PCO) Assistant Secretary at Task Force El NiÅo Spokesperson Joey Villarama, dati ang Department of Education (DepEd) ang nagtatakda ng suspensiyon ng klase subalit sa kaso ng nangyari sa Western Visayas ay mga local executive na ang nagdesisyon.
“So, kung hindi po talaga, sobra talaga na hindi makaka-concentrate ang bata kapag sobrang init. So, kung kayo po ay nakaka-experience ng extreme heat sa inyong lokalidad, nasa sa inyo po ang kapangyarihan po para i-shift ang inyong face-to-face classes to online classes,” sabi ni Villarama.
Batay sa nakuhang impormasyon ng task force, 10 bayan sa Western Visayas ang nagdeklara ng suspensiyon ng klase nitong Lunes hanggang Martes, April 2, dahil sa sobrang init ng panahon.
Samantala, pinaalalahanan ni Villarama ang mga magulang na bantayan ang mga anak at painumin lagi ng tubig, at huwag hayaang mabilad sa sikat ng araw.
“Ang paalala po natin palagi lalo na sa mga bata po `di ba, painumin ng tubig palagi at ilagay sila doon sa mas malilim o mas preskong lugar sa ating bahay, para po hindi lamang makapag-aral sila ng mabuti, kung hindi po magkaroon ng adverse effect sa kanilang kalusugan,” dagdag ni Villarama. (Aileen Taliping)
The post Face-to-face classes puwedeng suspindehin `pag sobrang init first appeared on Abante Tonite.
0 Comments