Aljun Melecio pasiklab sa Converge, Elmer Yanga namatay na sa edad 78

STANDINGS

TEAMS W L

San Miguel 10 0

Ginebra 7 3

Magnolia 5 4

NLEX 5 4

TNT 5 5

Rain or Shine 5 5

Terrafirma 5 5

Meralco 5 5

NorthPort 5 6

Blackwater 3 7

Phoenix 3 7

Converge 2 9

Mga laro sa Biyernes

4:30 pm – Magnolia vs Terrafirma

7:30 pm – NLEX vs Rain or Shine

Maingay na tinapos ng Converge ang kampanya sa PBA Philippine Cup, muntik mapakawalan ang 16-point lead pero naigapang ang 107-103 panalo kontra bigating TNT sa PhilSports Arena Miyerkoles ng gabi.

Malamig sina main men Alec Stockton at Justine Arana, piniga ni coach Aldin Ayo ang kanyang second unit at rumesponde ang mga tulad nina Aljun Melecio, Patrick Maagdenberg, Schonny Winston.

Tumapos si Melecio ng 17 points, 13 kay Winston tampok ang final 5 points ng FiberXers kasama ang tatlong free throws sa final 21 seconds. Kinamada ni Maagdenberg lahat ng 12 points niya sa second half, 10 dito sa fourth quarter.

Nakapagsumite pa rin si Arana ng 15 points, 8 rebounds, maalat na 1 of 9 ang shooting ni Stockton tungo sa 4 points. Na-outscore ng Converge bench ang counterparts 52-35.

“Our second group won it for us. I’ve been challenging them to play harder than the first group,” bulalas ni Ayo. “Lots of players from the second group were double digits in terms of score. But more than the score, the defense that they applied against the small guys of TNT.”

Naka-dalawang panalo kontra siyam na talo sa conference ang Converge, sigurado nang aariin ang top pick sa 2024 PBA Draft.

“We have already have our first group, and right now our second group played well,” dagdag ni coach Aldin. “Right now we’re excited for the draft.”

Napigil sa 5-5 ang Tropang Giga, nakibuhol sa 5th-8th kasama ang Rain or Shine, Meralco at Terrafirma.

Nagsalansan si Calvin Oftana ng 33 points mula sa anim na 3s na sinahugan ng 12 rebounds, binak-apan ng 29 ni RR Pogoy at 13 si Kim Aurin sa TNT.

Mula sa biggest hole na 98-82, umahon ang Tropa nang angklahan nina Oftana at Pogoy ang 11-0 run para idikit 102-99.

Pagkatapos ng split ni Winston, nagmamadaling bumitaw ng 3 si Pogoy para ilapit pa 105-103. Sa final 10 seconds, dalawang charities pa ang ibinaon ni Winston bago nagmintis ang isa pang tres ni Pogoy.

Bago ang tipoff, pinatunog ang final buzzer para kay dating RFM franchise team manager at alternate governor Elmer Yanga na sa edad 78 ay binawian na ng buhay kahapon, May 1, dahil sa matagal nang karamdaman.

Sa 12 seasons ng RFM at ni Yanga bilang top official mula 1990 nang pumasok sa liga bilang expansion team, naka-apat na championship ang Swift.

Kilalang mabait sa lahat si Yanga, naging team manager din siya ng PBA-backed Philippine national team na nag-fourth sa 2002 Busan Asian Games.

Sa first game, inekisan ng San Miguel ang 10th straight win nang kubabawan ang Blackwater 124-109.

Tumabas si CJ Perez ng 26 points, ikinalat ni Don Trollano sa fourth quarter ang 15 sa kanyang 25 points nang lumayo ang SMB hanggang 112-88. Tumapos si June Mar Fajardo ng 21 points, 16 rebounds.

Nabaon sa 3-7 ang Blackwater kabuhol ang Phoenix sa 10th-11th. Pareho nang out sa next round, no-bearing na ang laro ng Bossing at Fuel Masters sa Sabado.

Sa halftime ng laro, ni-retire ng SMB ang No. 29 jersey ni Arwind Santos. Sinaluduhan siya ng mga dating kakampi sa pangunguna ng kasama niya sa Death Five ng San Miguel na sina June Mar, Marcio Lassiter, Chris Ross at Alex Cabagnot – ang starters sa 9 championships ng Beer mula 2011 hanggang 2019.

Mga iskor

Unang laro

SAN MIGUEL 124 – Perez 26, Trollano 25, Fajardo 21, Cruz 14, Romeo 12, Lassiter 11, Brondial 9, Teng 4, Manuel 2, Enciso 0, Tautuaa0, Malillin 0, Ross 0.

BLACKWATER 109 – Tungcab 15, Kwekuteye 15, Rosario 15, Hill 13, David 12, Casio 8, Chua 8, Ilagan 7, Suerte 5, Nambatac 5, Guinto 2, Escoto 2, Sena 2, Jopia 0, Yap 0.

Quarters: 32-24, 60-53, 88-80, 124-109.

Pangalawang laro

CONVERGE 107 – Melecio 17, Arana 15, Santos 15, Winston 13, Maagdenberg 12, Fornilos 8, Delos Santos 7, Stockton 4, Andrade, Nieto 0.

TNT 103 – Oftana 33, Pogoy 29, Aurin 13, Khobuntin 11, Ponferrada 7, Castro 4, B.Ganuelas-Rosser 2, Ebona 2, Varilla 2, Reyes 0, Montalbo 0.

Quarters: 31-31, 57-52, 83-77, 107-103. (Vladi Eduarte)

The post Aljun Melecio pasiklab sa Converge, Elmer Yanga namatay na sa edad 78 first appeared on Abante Tonite.

Post a Comment

0 Comments